36 kalsada, sarado pa rin dahil sa #UlyssesPH

Photo credit: Sec. Mark Villar/Facebook

Sarado pa rin ang ilang kalsada sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa abiso hanggang 6:00, Linggo ng umaga (November 15), nasa 36 kalsada ang hindi pa maaaring daanan ng mga motorista.

Ito ay bunsod ng naitalang soil collapse, landslide, mudflow, debris flow, natumbang puno at baha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyo.

Sa 36 kalsada, nasa walo rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), isa sa Region 1, 13 sa Region 2, anim sa Region 3, apat sa CALABARZON, tatlo sa Region 5 at isa sa Region 8.

Maliban pa dito, apat pang kalsada ang may limitadong access; tig-iisa sa CAR, Regions 2, 3 at 5.

Read more...