Bilang ng nasawi sa Cagayan, umabot na sa 10

By Angellic Jordan November 15, 2020 - 12:13 PM

Umabot na sa 10 ang bilang ng nasawi sa pagbaha sa Cagayan dulot ng Bagyong Ulysses.

Batay ito sa pinakahuling datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan hanggang 5:00, Linggo ng madaling-araw (November 15).

Sa nasabing bilang, apat ang nasawing magkaka-anak sa bahagi ng Sitio Tueg sa Barangay Bitag sa Grande, Baggao dahil sa landslide.

Kinilala ang mga biktima na sina Frank Jay Pagulayan, 19-anyos; King Jim Bragasin, 18-anyos; Ian Philip Pagulayan, 17-anyos; at si Virginia Bautista, 60-anyos.

Tatlo naman ang naitalang nasawi sa bayan ng Alcala.

Nakuryente sina Nery Abalos, 49-anyos, at Randy Valdez, 44-anyos, na residente ng Barangay Pared.

Nalunod naman ang isang residente na si Marlon Cabrido, 42-anyos sa Barangay Baculod.

Samantala, dalawa naman ang nasawi sa Tuguegarao.

Kinilala ang mga biktima na sina Socorro Narag, 80-anyos na nalunod sa Barangay Linao East, at Kelly Villarao, rescue worker ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 02 dahil na nakuryente sa gitna ng operasyon.

Kabilang si Villarao sa reresponde sana sa Barangay Linao ngunit bumangga ang kanilang speedboat sa isang poste ng kuryente.

Nasawi rin dahil sa pagkalunod ang batang babae na si Christine Yadao sa Barangay Cabiroan sa bayan ng Gonzaga.

TAGS: Cagayan evacuees, Cagayan flood, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses evacuation, Typhoon Ulysses fatalities, Typhoon Ulysses flood, UlyssesPH, Cagayan evacuees, Cagayan flood, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses evacuation, Typhoon Ulysses fatalities, Typhoon Ulysses flood, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.