Rescue operation ng PCG sa Cagayan, tuloy pa rin
Tuloy pa rin ang isinasagawang rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) District North Eastern Luzon sa Alcala, Cagayan araw ng Linggo (November 15).
Nasagip ang ilang residenteng naipit sa malawakang pagbaha matapos ang Bagyong Ulysses.
Ngunit, wala nang buhay ang dalawang indibiduwal nang matagpuan sa kasagsagan ng pagbaha.
Batay sa imbestigasyon, residente ng Barangay Pared, sa bayan ng Alcala ang dalawang bangkay na may edad 49-anyos na babae at 45-anyos na lalaki.
Samantala, kumikilos na rin ang dalawang deployable response groups (DRGs) para umasiste sa lokal na pamahalaan ng Alcala at Amulung sa pagbiyahe ng relief supplies para sa mga apektadong pamilya.
Wala ring patid ang relief supplies transport missions ng ahensya sa Bicol region katuwang ang ilang partner organizations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.