Mga nasunugan sa Binondo, Maynila tumanggap ng tulong mula kay Sen. Bong Go

By Dona Dominguez-Cargullo November 15, 2020 - 07:56 AM

Nagpaabot ng tulong ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go sa limanpung pamilya na kinabibilangan ng dalawan’daang indibiduwal na nabiktima ng sunog kamakailan sa Barangay 286, Zone 26 sa Binondo, Manila.

Namahagi ang mga tauhan ni Go ng libreng pagkain, food packs, masks, face shields at vitamins sa mga apektadong residente. Ginanap ang distribution activity sa Barangay 286 Hall.

“Nabalitaan ko na nasunugan kayo dyan sa Brgy. 286, Zone 26 sa Binondo. Mag-ingat po tayo. Ang importante po, walang nasaktan at, alam ninyo, importante po ang buhay natin. Ang pera po ay ating kikitain subalit ang buhay po ay hindi nabibili ng pera. A life lost is a life lost forever. Ang gamit naman po, kaya nating pagtulungan ‘yan basta magtulungan lang tayo,” sabi ni Go sa fire victims sa pamamagitan ng video call.

Hinimok naman niya ang mga benepisyaryo na gumamit ng mask at face shields bilang paraan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa at mapigilan ang pagtaas ng bilang ng infected people sa bansa.

“Pakigamit muna dahil delikado pa ang panahon. Pakiusap po, magsocial distancing tayo, maghugas ng kamay, at ‘wag lumabas ng bahay kung hindi kailangan,” saad ni Go.

Namigay din ang senador ng mga bisikleta sa mga piling benepisyaryo para ligtas na magamit sa kanilang pagpasok sa trabaho sa gitna ng travel restrictions. Nagkaloob din siya ng backriding barriers para sa safety measure sa mga motorsiklo.

Namahagi din ang senador ng
tablets sa iba pang grupo ng mga benepisyaryo upang magamit ng kanilang mga anak sa online classes bilang bahagi ng kanilang blended learning na ipinatutupad sa mga eskuwelahan.

“Sa mga estudyante, mag-aral kayong mabuti. Edukasyon ang puhunan natin sa mundong ito at ‘yan po ang nagpapasaya sa mga magulang. Ito po ang kunswelo natin na nagpapakamatay ang mga magulang para mapaaral ang kanilang mga anak. Kaya sa mga kabataan dyan, mag-aral kayong mabuti,” wika ng senador.

Samantala, naroon din ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development para naman mamahagi ng hiwalay na cash aid at food packs.

Nangako naman ang National Housing Authority na magkakaloob ng housing assistance kapag natapos na ang kanilang assessments, habang ang Department of Trade and Industry naman ay magbibigay ng ayuda sa pamamagitan ng kanilang existing livelihood programs.

Samantala, pinaalalahanan naman ni Go ang mga benepisyaryo na maari din silang mag-avail ng medical assistance mula sa pinakamalapit na Malasakit Center na matatagpuan sa Philippine General Hospital.

“Batas na po ang Malasakit Center at 90 na po ‘yan sa buong bansa. Ito ay isang one-stop shop kung saan nasa loob na po ng ospital ang DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO. Ito ang ipinangako ko sa inyo at tinupad po namin ni Pangulong Duterte. Sa Pilipino po ‘yan, inyo po ‘yan lapitan ninyo lang po,” patuloy na pahayag ni Go.

Si Go na nagsisilbi bilang pinuno ng Senate Committee on Health ay muling iginiit ang kanyang posisyon para sa mga mahihirap at vulnerable sectors na maging prayoridad sakaling maging available na ang ligtas at epektibong bakuna laban sa COVID-19.

Ipinanawagan din nito ang pagpasa sa Senate Bill No. 1832 o ang Bureau of Fire Protection Modernization Act of 2020, kung saan siya ang principal author.

“Kaya isinisulong ko po ‘yung Fire Modernization para po ma-modernize ang mga kagamitan natin sa bumbero. May information at education drive din po sa nasabing bill kung saan tuturuan kayo kung ano ang gagawin para makaiwas sa sunog at kung anong gagawin kung may sunog,” sabi ni Go.

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.