Aurora, isinailalim na sa state of calamity

Isinailalim na sa state of calamity ang probinsya ng Aurora.

Sa abiso ng Provincial Government ng Aurora, inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution no. 232 ukol sa deklarasyon ng state of calamity sa probinsya.

Kabilang ang naturang probinsya sa mga lugar na matinding sinalanta ng Bagyong Ulysses.

Nag-iwan ang bagyo ng pinsala sa pangkabuhayan, imprastraktura, pangsakahan at kabahayan sa Aurora.

Read more...