Paalala ng DOH sa publiko: Huwag gumamit ng generator sa loob ng bahay
May paalala sa publiko ang Department of Health (DOH) ukol sa paggamit ng generator.
Ito ay kasunod ng paggamit ng ilang pamilya ng generator sa loob ng bahay nang mawalan ng kuryente dulot ng Typhoon Ulysses.
Sinabi ng kagawaran na huwag gumamit ng generator at iba pang makinarya na maaaring magbuga ng Carbon Monoxide (CO) sa loob ng bahay.
Ayon sa DOH, nakalalason at nakamamatay ang naturang gas.
Maaari anilang maipon ito sa mga sarado o bahaygang sarado na lugar sa loob ng bahay.
Sakaling nakakaramdam ng pagkahilo, pagduduwal at magaan ang ulo, sinabi ng DOH na agad humingi ng atensyong medikal sa pinakamalapit na health facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.