BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 406,337

Hindi muli bababa sa 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Sabado (November 14), umabot na sa 406,337 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 35,478 o 8.7 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,650 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.6 porsyento ang asymptomatic; 2.3 porsyento ang severe habang 4.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 39 muli ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,791 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 194 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 363,068 o 90.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...