Pangulong Duterte, ipinag-utos ang pagbuo ng task force para sa rehab efforts sa mga apektado ng #UlyssesPH

By Angellic Jordan November 14, 2020 - 03:53 PM

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuo ng isang task force para mapabilis ang ginagawang rebilitation efforts sa mga lugar na tinamaan ng Bagyong Ulysses.

Sa kaniyang public address, araw ng Sabado (November 14), sinabi ng pangulo na gumagawa ang gobyerno ng mga patakaran para makabangon ang mga apektado ng bagyo.

“I directed them to streamline para madali ang rehabilitation efforts affected by the typhoon,” pahayag ng pangulo.

Sinabi pa nito na sa ang nasabing task force, may kasamang representante mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

“Binibigyan ko sila ng timeline para gumawa ng mga hakbang na iyan na walang delay at cut ‘yung red tape para mabilis ang takbo ng tulong sa tao,” paliwanag nito.

Nais kasi aniya niya ang agarang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong tao ng bagyo.

Tiniyak din ng pangulo na nagpadala na ang gobyerno ng mga responder para sagipin ang mga stranded na biktima ng Bagyong Ulysses.

TAGS: Inquirer News, President Duterte on Typhoon Ulysses, President Duterte speech Nov. 14, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses evacuation, Typhoon Ulysses fatalities, Typhoon Ulysses flood, Ulysses task force, UlyssesPH, Inquirer News, President Duterte on Typhoon Ulysses, President Duterte speech Nov. 14, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses evacuation, Typhoon Ulysses fatalities, Typhoon Ulysses flood, Ulysses task force, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.