Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 23,633 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 8:00, Sabado ng umaga (November 14).
Ang nasabing bilang ng kaso ay na-validate na ng QCESU at district health offices.
Samantala, nasa 721 o katumbas ng tatlong porsyento ang itinuturing na aktibong kaso ng pandemiya.
22,230 o 94 porsyento ang total recoveries sa COVID-19 sa lungsod habang 682 o tatlong porsyento ang nasawi.
Batay pa sa datos, nasa 16,098 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.
MOST READ
LATEST STORIES