Bilang ng evacuees sa Cagayan, umabot na sa higit 37,000
Nadagdagan pa ang bilang ng mga inilikas na residente sa Cagayan dahil sa pagbaha.
Binaha ang nasabing probinsya dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng Bagyong Ulysses.
Ayon sa Cagayan Public Information Office, base sa datos ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office hanggang 12:00, Sabado ng tanghali (November 14), umabot na sa kabuuang 11,392 pamilya o 37,327 ang bilang ng evacuees sa Cagayan.
Ito ay mula sa 215 barangay sa 24 munisipalidad.
Samantala, nasa 43,838 pamilya o 174,940 katao naman ang kabuuang bilang ng mga apektado ng bagyo.
Base pa sa datos, walo ang nasawi kung saan apat ang naitala sa Baggao, isa sa Alcala, dalawa sa Gattaran at isa sa Tuguegarao.
Sa ngayon, patuloy ang pagsasagawa ang rescue operation ng mga ahensya ng gobyerno sa nasabing lalawigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.