Magnitude 3.9 na lindol, yumanig sa Surigao del Norte
By Angellic Jordan November 14, 2020 - 02:18 PM
Tumama ang magnitude 3.9 na lindol sa Surigao del Norte, Sabado ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 7 kilometers Northwest ng Burgos.
Naramdaman ang pagynig bandang 1:31 ng hapon.
May lalim ang pagyanig na 8 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang naitalang pinsala sa Burgos at mga karatig-bayan.
Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.