Sarado pa rin ang ilang kalsada sa bansa dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Batay sa abiso hanggang 7:00, Sabado ng umaga (November 14), nasa 35 kalsada ang hindi pa maaaring daanan ng mga motorista.
Ito ay bunsod ng naitalang soil collapse, landslide, mudflow, debris floww, natumbang puno at baha dahil sa tuluy-tuloy na pag-ulang dala ng bagyo.
Sa 35 kalsada, nasa 10 rito ang nasa Cordillera Administrative Region (CAR), isa sa Region 1, 13 sa Region 2, apat sa Region 3, anim sa CALABARZON at isa sa Region 8.
Maliban pa dito, pito pang kalsada ang may limitadong access kabilang ang tig-iisa sa CAR, Region 2 at CALABARZON habang tig-dalawa naman sa Regions 3 at 5.
MOST READ
LATEST STORIES