Naka-deploy na rin ang ikalawang airbus light twin engine helicopter ng Philippine Coast Guard (PCG), araw ng Sabado (November 14).
Ayon sa ahensya, ito ay matapos lumipad pa-Norte ang CGH-1451.
Matapos ang flood damage assessment ng BN Islander Plane, sinabi ng PCG na agad sisimulan ang aerial rescue/extraction.
Matatandaang nagbaba ng direktiba si Transportation Secretary Arthur Tugade sa PCG na agad i-deploy ang lahat ng kailangang kagamitan at mga tauhan para sa search and rescue operations sa lalawigan ng Isabela at Cagayan.
Samantala, nai-deploy na rin ng ahensya ang kanilanh dalawang bus, isang 12-wheeler boom truck, dalawang M-35 trucks, dalawang rubber boats at tatlong generator sets.
Lumubog sa baha ang dalawang probinsya dahil sa ulang dulot ng Bagyong Ulysses.