Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 53.73 milyon

By Angellic Jordan November 14, 2020 - 11:04 AM

Umabot na sa mahigit 53.73 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 53,738,884 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 11,064,364 cases.

Sumunod na rito ang India na may 8,773,243 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 5,819,496 naman ang kaso sa Brazil habang 1,922,504 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 1,880,551
– Spain – 1,492,608
– United Kingdom – 1,317,496
– Argentina – 1,296,378
– Colombia – 1,182,697
– Italy – 1,107,303
– Mexico – 997,393
– Peru – 932,650
– Germany – 772,822
– South Africa – 746,945
– Iran – 738,322
– Poland – 665,547

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 1,309,147 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 37,519,827 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

TAGS: breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 Inquirer, COVID-19 pandemic, COVID-19 update, global COVID-19 cases, global COVID-19 deaths, global COVID-19 recoveries, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.