Mayor isko nagpadala ng tulong sa mga nasalanta ng #UlyssesPH sa Marikina City

By Chona Yu November 13, 2020 - 05:30 PM

 

Nagpadala na ng ayuda si Manila Mayor Isko Moreno sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses sa Marikina City.

Kabilang sa mga ibinigay na ayuda ang 1,000 food boxes, 5,000 piraso ng bottled water at apat na kahon ng gamot
Ayon kay Mayor Isko handang mag-abot ng suporta ang Maynila sa abot ng makakaya nito upang matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Mahalaga ngayon ayon kay Mayor Isko ang pagtutulungan sa panahon ng kalamidad lalo na’t nagpapatuloy din ang banta ng COVID-19 sa buong bansa.

Ipinaalala rin ni Mayor Isko sa publiko na patuloy na mag-ingat, paigtingin ang paghahanda sa mga sakuna at pangalagaan ang isa’t isa upang matiyak ang kaligtasan ng lahat tuwing may kalamidad.

TAGS: Bagyong Ulysses, COVID-19, Manila Mayor Isko Moreno, Marikina, Bagyong Ulysses, COVID-19, Manila Mayor Isko Moreno, Marikina

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.