BREAKING: Mga nagpositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 404,713
Tumaas pa ang bilang ng panibagong kaso ng mga tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (November 13), umabot na sa 404,713 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa kung saan 1,902 ang bagong naitalang kaso.
Sa nasabing bilang, 34,058 o 8.4 porsyento ang aktibong kaso.
83.9 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.4 porsyento ang asymptomatic; 4.3 ang critical; 2.3 ang porsyento ng severe habang 0.12 porsyento ang moderate.
31 naman ang napaulat na nasawi as virus.
Dahil dito, umakyat na sa 7,752 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 506 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 362,903 o 89.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.