#NasaanAngPangulo kalokohan ayon sa Malakanyang

Kalokohan!

Pahayag ito ng Palasyo sa palaging pagpapauso ng mga taga-opisyson sa hashtag na nasaan ang pangulo (#NasaanAngPangulo) tuwing may kalamidad sa bansa.

Hindi raw kasi nakikita si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat nang itigil ng oposisyon ang kalokohang ito at hindi na dapat na hanapin pa si Pangulong Duterte.

Hindi aniya nawawala ang pangulo at palaging kapiling ng sambayang Filipino.

Katunayan, sinabi ni Roque na palaging iniisip ng Pangulo ang kapakanan ng taong bayan

Kung ikukumpara aniya, hindi hamak na mas maliit ang bilang ng mga nasawi sa mga nagdaang bagyo dahil sa preparasyon ng gobyerno kung ikukumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Matatandaang nabatikos ng husto noon ang adminsitrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III dahil sa dami ng bilang ng gma nasawi sa bagyong Yolanda na umabot sa mahigit anim na libo katao.

Hindi na aniya kailangan na mag preside ni Pangulong Duterte sa meeting sa National Disaster Risk Reduction and Management Council dahil gumagana at maayos naman na nakatutugon ang mga gabinete at ibat ibang departamento.

Sinabi pa ni Roque na abala rin ngayon si Pangulong Duterte sa Asean summit.

Read more...