Malabon City at Navotas City mawawalan ng suplay ng tubig
Mawawalan ng suplay ng tubig ang Malabon City at Navotas City simula alas dose mamayang tanghali, November 13 hanggang alas siyete ng umaga bukas, November 14.
Base sa abiso ng Maynilad Water Services Incorporated, partikular na mawawalan ng suplay ng tubig ang Bagumbayan North at South, Daanghari, Navotas East at West, San Jose, San Roque, Sipac, Tangos North at South, at Tanza 1 at 2.
Ayon sa Maynilad, nananatiling mataas ang turbidity level o malabo ang tubig na pumapasok sa La Mesa Treatment Plants.
Dahil dito, kinakailangan na limitahan pa rin ang water production.
Inaabisuhan ang mga residente sa nabanggit na lugar na mag-imbak ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.