Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang lalawigan ng Masbate.
Ayon sa Phivolcs, unang naitala ang magnitude 3.9 na pagyanig sa 25 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-8:10 umaga ng Biyernes (November 13) at may lalim na 24 kilometers.
Sumunod naman na naitala ang magnitude 3.0 na pagyanig sa 28 kilometers northwest ng bayan ng Cataingan, alas-8:10 ng umaga at may lalim na 21 kilometers.
Tectonic ang origin ng mga pagyanig.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES