Evacuees magsisimula nang umuwi ngayon araw

By Jan Escosio November 13, 2020 - 08:30 AM

Photo credit: @Mayora_Abby/Twitter

Inaasahan na ngayon araw ay may mga evacuees na babalik na sa kani-kanilang bahay.

Sa datos ng DSWD, halos 19,000 pamilya na may katumbas na halos 70,000 indibiduwal ang lumikas sa 755 evacuation centers sa apat na rehiyon na lubhang napektuhan sa pananasalasa ng bagyong Ulysses.

Base din sa ulat ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center o DROMIC ng kagawaran, may higit 1,500 pamilya sa Metro Manila, Central Luzon Calabarzon at Bicol Region ang umalis ng kanilang bahay ngunit nanuluyan sa mga kaanak o kaibigan.

Nabatid na sa kabuuang, 40,518 pamilya o 156,995 indibiduwal mula sa 648 barangay ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Sa Metro Manila, umabot sa 8,154 pamilya ang tumuloy sa 187 evacuation centers sa 152 barangay at marami sa kanila ay mga residente ng Marikina City.

Naghanda naman ang kagawaran ng higit P810 million standby fund para sa ikakasang relief operations.

Ang DSWD Central Office ay naglaan ng P184 million Quick Reaction Fund at naghanda din ng 279,186 family food packs na maaring ipamahagi sa mga mangangailangang LGUs.

TAGS: Bicol Region, Central Luzon Calabarzon, Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, DROMIC, dswd, Metro Manila, Bicol Region, Central Luzon Calabarzon, Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, DROMIC, dswd, Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.