Heavy Rainfall advisory itinaas ng PAGASA sa Babuyan Island, Camiguin Island at Cagayan

Nagpalabas ng heavy rainfall warning ang PAGASA dahil sa epekto ng buntot ng Frontal System.

Red rainfall warning ang nakataas sa bahagi ng Babuyan Island, Camiguin Island at Cagayan (Baggao, Gattaran, Gonzaga, Lallo, Peñablanca, Santa Ana at Santa Teresita kung saan makararanas ng malakas na pag-ulan ang mga lugar.

Binabalaan ang mga residente sa posibleng pagbaha at landslide.

Orange warning level naman ang nakataas sa bahagi ng Cagayan (Abulug, Aparri, Ballesteros, Buguey, Camalanuigan, Claveria, Pamplona, SantaPraxedes and SanchezMira), at Isabela(Maconacon) kung saan katamtaman hanggang sa malakas naman na pag-ulan ang mararanasan.

Mahina hanggang sa katamtaman naman na pag-ulan ang mararanasan sa ilan pang bahagi ng Cagayan partikular na sa Allacapan, Alcala, Amulung, Enrile, Iguig, Lasam, Piat, Rizal, SantoNiño, Solana, Tuao at Tuguegarao City kung saan nakataas ang Yellow rainfall warning.

Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.

 

Read more...