Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 57,288
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Huwebes (November 12, 3:00 PM) nakapagtala ng 91 na bagong kaso kaya pumalo na sa 57,288 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 15,565
Laguna – 15,628
Batangas -9,949
Rizal – 11,789
Quezon – 4,357
Ang bilang ng active cases sa lalawigan ay 7,807.
Nasa 47,956 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 16 na bagong recovery.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 13,006
Laguna – 13,992
Batangas – 8,978
Rizal – 9,578
Quezon – 2,342
Ang COVID-19 related deaths sa rehiyon ay nadagdagan ng 1 kaya umabot na sa 1,525 ang bilang.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 406
Laguna – 326
Batangas – 289
Rizal – 382
Quezon – 122
Paalala ng DOH CHD 4A na masusing sundin at gawin ang mga sumusunod upang maiiwasan ang pagkalat at pagtaas sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19:
1. Social distancing
2. Proper hygiene (pagiging malinis sa katawan)
3. Proper cough etiquette
4. Pagsusuot ng face mask kung may importanteng lakad sa labas ng tahanan.
5. Healthy Lifestyle (pag-eehersisyo, pagkain ng mga masusustansyang gulay at prutas) at
6. pananatili sa loob ng bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.