DFA, nakatutok sa hinihinalang pagsabog sa Jeddah

By Angellic Jordan November 12, 2020 - 08:58 PM

Mahigpit na tinututukan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang hinihinalang pagsabog sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng DFA na napaulat ang pagsabog kasabay ng World War I commemoration ceremony sa isang sementeryo sa bahagi ng Al-Balad.

Binabantayan ng Philippine Consulate General sa Jeddah ang ang sitwasyon sa nasabing lugar.

Sa pamamagitan din nito, nakikipag-ugayan ang kagawaran sa Filipino community sa naturang bansa.

Abiso sa mga Pinoy sa Jeddah, manatiling nakaalerto at sundin ang mga paalala ng mga awtoridad.

TAGS: bomb blast in Jeddah, DFA, Filipino community in Jeddah, Inquirer News, jeddah, Radyo Inquirer news, World War I commemoration ceremony, bomb blast in Jeddah, DFA, Filipino community in Jeddah, Inquirer News, jeddah, Radyo Inquirer news, World War I commemoration ceremony

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.