Palasyo, sinuspinde muli ang klase at pasok sa gov’t offices sa NCR at iba pang rehiyon sa Nov. 13

Sinuspinde muli ng Palasyo ng Malakanyang ang pasok sa trabaho ng mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at ilang rehiyon sa bansa.

Ito ay bunsod ng pananalasa ng Typhoon Ulysses.

Suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region, Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Epektibo ang suspensiyon ng pasok sa araw ng Biyernes (November 13).

“We leave the suspension of work for private companies, offices & schools to their respective heads’ discretion,” pahayag ni Presidential spokesman Harry Roque.

Hinikayat din ng Palasyo ang publiko na manatiling nakaalerto sa lagay ng panahon at abiso ng gobyerno.

Read more...