Magnitude 5.3 na lindol, tumama sa Surigao del Norte; Intensities, naitala sa ilang bayan
(UPDATED) Tumama ang magnitude 5.3 na lindol sa Surigao del Norte, Huwebes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa layong 19 Northeast ng Burgos dakong 3:18 ng hapon.
May lalim na 12 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naitala ang mga sumusunod na intensities:
Intensity V – Burgos, General Luna and Santa Monica, Surigao Del Norte
Intensity IV – Socorro, Surigao Del Norte
Intensity III – Surigao City; Tubajon, Dinagat Islands; San Ricardo, San Francisco and Pintuyan, Southern Leyte; Rosario, Agusan Del Sur
Intensity II – Carmen and Tandag City, Surigao Del Sur; Butuan City; Magsaysay and Gingoog City, Misamis Oriental
Intensity I – Medina, Salay, Balingasag, Jasaan and Villanueva, Misamis Oriental; Cagayan De Oro City
Instrumental Intensities:
Intensity III – Surigao City
Intensity II – Borongan City, Eastern Samar ; Palo, Leyte; Gingoog City, Misamis Oriental
Intensity I – Catbalogan City, Samar
Sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa bayan ng Burgos at mga karatig-bayan.
Ngunit babala nito, maaring makaranas ng aftershocks.
Samantala, bandang 3:46 ng hapon, muling niyanig ng lindol ang bayan ng Burgos.
Naramdaman ang magnitude 3.4 na lindol bandang 3:46 ng hapon.
Tectonic ang origin nito at 11 kilometers ang lalim.
Wala namang napaulat na pinsala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.