LOOK: Pangulong Duterte nagsagawa ng aerial inspection sa Marikina, Montalban

By Chona Yu November 12, 2020 - 04:11 PM

Photo credit: Sen. Bong Go

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Ulysses.

Ayon kay Senador Bong Go, inikot nila ni Pangulong Duterte ang Marikina at Montalban na nalubog sa baha.

Ginawa ng Pangulo ang aerial inspection matapos dumalo sa virtual 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

Ayon kay Go, pinasisiguro ng Pangulo na handang magamit ang lahat ng assets ng gobyerno para masagip ang mga stranded.

Pinapa-mobilize na rin aniya ng Pangulo ang lahat ng kagamitan ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Philippine Air Force, Navy, at Army, Philippine Coast Guard lalo na ang kanilang mga rubber boats para mapasok agad at ma-rescue ang mga residenteng humihingi ng saklolo.

Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno na tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga nasalanta ng bagyo.

Mahigpit din aniyang moni-monitor ng Pangulo ang mga pangyayari.

“Ang sabi ng Pangulo: kapit lang tayo. Mag-bayanihan at magtulungan dahil ang gobyerno ay nandito para tumulong agad. Hindi namin kayo pababayaan,” pahayag ni Go.

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, President Duterte aerial inspection on Typhoon Ulysses, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses flood, Typhoon Ulysses victims, UlyssesPH, Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, President Duterte aerial inspection on Typhoon Ulysses, Radyo Inquirer news, Sen. Bong Go, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, Typhoon Ulysses flood, Typhoon Ulysses victims, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.