Systems check, isinagawa sa lahat ng istasyon ng MRT-3
Nagsagawa ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng systems check sa lahat ng istasyon ng tren sa araw ng Huwebes, November 12.
Ito ay matapos manalasa ang Typhoon Ulysses sa Metro Manila.
Sinuri ng mga MRT-3 personnel at tiniyak na maayos ang operational systems ng rail line kabilang ang tracks, OCS power, signaling and communications, buildings and facilities at rolling stocks.
Sinuspinde ang operasyon ng tren sa Huwebes bunsod ng epekto ng bagyo.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, magbibigay sila ng anunsiyo ukol sa pagbabalik-operasyon nito matapos ang systems check.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.