Na-rescue ang apat na residenteng na-suffocate sa loob ng kanilang bahay sa bahagi ng Barangay Sta. Barbara dahil sa generator smoke.
Na-revive ng rumespondeng grupo ang isang residente na ilang beses nawalan ng malay.
Tuloy pa rin ang rescue operations bunsod ng pananalasa ng Typhoon Ulysses.
Bahagi ang NAVSOU-3 ng DRRTs na itinalaga ng Naval Forces Southern Luzon sa Camarines Sur upang tumulong sa mga ahensya ng gobyerno sa pag-asiste sa mga apektadong komunidad.
Tiniyak ng Philippine Navy na nakahanda sila para magbigay ng kinakailangan tulong at serbisyo sa mga Filipino lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency.