Apat na residenteng na-suffocate sa loob ng bahay dahil sa generator smoke, na-rescue sa Camarines Sur

By Angellic Jordan November 12, 2020 - 03:08 PM

Nasagip ng Philippine Navy sa pamamagitan Naval Special Operations Unit-3 (NAVSOU-3) ang ilang residente sa Nabua, Camarines Sur Huwebes ng umaga (November 12).

Na-rescue ang apat na residenteng na-suffocate sa loob ng kanilang bahay sa bahagi ng Barangay Sta. Barbara dahil sa generator smoke.

Na-revive ng rumespondeng grupo ang isang residente na ilang beses nawalan ng malay.

Tuloy pa rin ang rescue operations bunsod ng pananalasa ng Typhoon Ulysses.

Bahagi ang NAVSOU-3 ng DRRTs na itinalaga ng Naval Forces Southern Luzon sa Camarines Sur upang tumulong sa mga ahensya ng gobyerno sa pag-asiste sa mga apektadong komunidad.

Tiniyak ng Philippine Navy na nakahanda sila para magbigay ng kinakailangan tulong at serbisyo sa mga Filipino lalo na sa panahon ng kalamidad at emergency.

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, evacuation due to Typhoon Ulysses, Inquirer News, NAVSOU-3, Philippine Navy rescue operations, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, UlyssesPH, Bagyong Ulysses, breaking news, evacuation due to Typhoon Ulysses, Inquirer News, NAVSOU-3, Philippine Navy rescue operations, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.