Pangulong Duterte sa mga batikos: “Wala kaming tulog”

By Chona Yu November 12, 2020 - 02:49 PM

Inunahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bumabatikos na wala raw siyang ginagawa at natutulog lamang habang nanalasa ang bagyong Ulysses.

Sa public address ng Pangulo, sinabi nito na wala pa siyang tulog dahil sa kaka-monitor sa sitwasyon ng mga residenteng naapektuhan ng bagyo.

Katatapos din lang aniya ng kanyang talumpati sa 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

“May mga nagsasabi na walang ginagawa, natutulog, wala kaming tulog dito. as I talk to you now, I just delievered the ASEAN Philippine message. I am attending a summit ng ASEAN, ang participation natin is the virtual-digital thing, pero lahat kami nagsalita,” pahayag ng Pangulo.

Matatandaang nabatikos nang husto si Pangulong Duterte sa kasagsagan ng Bagyong Rolly.

Nag-trending pa sa Twitter ang hashtag na #NasaanAngPangulo.

Umuwi ng Davao City si Pangulong Duterte para gunitain ang Undas at bisitahin ang puntod ng kanyang mga magulang.

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, President Duterte speech on Typhoon Ulysses, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, UlyssesPH, Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, President Duterte speech on Typhoon Ulysses, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.