20 PCG rescue teams, naka-deploy para rumesponde sa mga apektadong pamilya sa NCR at ilang probinsya

PCG photo

Tuluy-tuloy ang pagkasa ng rescue operations ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na sinalanta ng Typhoon Ulysses.

Ayon sa ahensya, hanggang 1:00, Huwebes ng hapon (November 12), nasa kabuuang 20 rescue teams kasama ang 72 personnel ang naka-deploy sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya tulad ng Rizal at Cavite.

Dala rin ng mga nakatalagang rescue team ang 10 rubber boats, anim na aluminum boats, 11 multipurpose vehicles, at tatlong truck.

Samantala, limang team naman ang nananatiling naka-standby sa PCG National Headquarters sakaling kailanganin pa ng karagdagang tulong sa evacuation at rescue operations.

PCG photo
Read more...