LOOK: Malago compound sa Malacañang, binaha

Photo credit: Sen. Bong Go

Hindi rin nakaligtas sa pagbaha ang Malago compound sa Malacañang Park, Manila kung saan nakatira si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, nag-overflow kasi ang Pasig River na malapit lamang sa Malago.

Tiniyak naman ni Go na ligtas ang Pangulo.

Katunayan, magsasalita aniya ang Pangulo, Huwebes ng hapon.

“He will address the nation in a while,” pahayag ni Go.

Sa ngayon, abala ang Pangulo sa virtual 37th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and Related Summits.

Photo credit: Sen. Bong Go

Read more...