Higit 1,000 pamilya sa Maynila, inilikas dahil sa #UlyssesPH
By Chona Yu November 12, 2020 - 01:34 PM
Umabot na sa mahigit 1,000 pamilya o 4,000 na indibidwal ang inilikas.
Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasa iba’t ibang evacuation center na ang mga inilikas.
Naninirahan aniya sa mga baybaying dagat ang mga residente.
Isang 60-anyos na stroke patient na si Julito Baruela ang isinugod naman sa Ospital ng Maynila.
Nabigyan na ang mga inilikas ng pagkain, tent, kumot, at iba pang pangunahing pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.