Mga naka-recover sa COVID-19 sa Baguio, nasa 1,971 na
Umabot sa 44 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Miyerkules ng gabi (November 11), umabot na sa 2,626 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 622 ang aktibo pang kaso.
32 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,971 na ang total recoveries sa Baguio City habang 33 pa rin ang death toll.
Samantala, sa suspected cases, nasa 4,482 ang aktibo habang 3,159 ang naka-recover.
Patuloy namang nakasailalim sa 14-day quarantine ang 18,534 na residente habang 21,553 ang nakatapos na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.