Typhoon #UlyssesPH muling nag-landfall sa Quezon

Muling tumama na sa kalupaan ng Quezon province ang Typhoon Ulysses.

Batay sa abiso ng PAGASA, nag-landfall ang sentro ng bagyo sa bayan ng Burdeos.

Tumama ang bagyo sa nasabing bayan bandang 11:20 ng gabi.

Ito na ang ikalawang beses na nag-landfall ang bagyo sa naturang probinsya.

Antabayanan ang update ng weather bureau ukol sa nasabing sama ng panahon.

Read more...