Laguna at ilang lalawigan, nakataas na sa red rainfall warning

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 11:00, Miyerkules ng gabi (November 11), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Ulysses.

Nakataas ang orange warning sa mga sumusunod na lugar:
– Laguna (Mabitac, SantaMaria, Famy, Siniloan, Pakil, Pangil, Paete, Kalayaan, Lumban, Cavinti, SantaCruz, Pila, Magdalena, Luisiana, Majayjay, Pagsanjan)
– Rizal (Tanay, Pililla, JalaJala)
– Quezon

Nakataas ang orange warning level sa mga sumusunod na lugar:
– Bulacan (Dona Remedios Trinidad, Norzagaray, Angat)
– Rizal (Rodriguez, Cainta, Baras, Taytay, Cardona, Angono, Binangonan, Morong, San Mateo, Teresa, Antipolo)
– Occidental Mindoro
– Palawan (Northern Palawan)
– Apayao (Calanasan, Conner, Kabugao at Luna)
– Cagayan (Abulug, Claveria, Pamplona, Santa Praxedes at Sanchez Mira)
– Isabela (Divilacan, Ilagan City at Maconacon)

Yellow warning level naman ang nakataas sa:
– Metro Manila
– Nueva Ecija
– Cavite
– Batangas
– Laguna (San Pedro, Binan, Santa Rosa, Cabuyao, Calamba, Los Banos, Bay, Alaminos, Calauan, Victoria, San Pablo, Rizal, Nagcarlan, Liliw)
– Bulacan (Calumpit, Pulilan, Malolos, Marilao, Meycauayan, Pandi, Paombong, Plaridel, Hagonoy, Balagtas, Baliuag, Bocaue, Bulacan, Bustos, Obando, Guiguinto, Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Jose Del Monte, SanRafael, Santa Maria)
– Nueva Vizcaya
– Ifugao
– Abra (Lacub, Malibcong at Tineg)
– Apayao (Flora, Pudtol at Santa Marcela)
– Cagayan (Allacapan, Alcala, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Buguey, Camalanuigan, Enrile, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lasam, Lallo, Peñablanca, Piat, Rizal, SantaAna, SantaTeresita, SantoNiño, Solana, Tuao at Tuguegarao City)
– Ilocos Norte (Adams at Pagudpud)
– Isabela (Cabagan, Gamu, San Pablo at Tumauini)

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Benguet, Ilocos Sur, at Western Pangasinan.

Kaparehong lagay din ng panahon ang iiral sa Abra(Bangued, Lagayan, Lapaz, Langiden, Pidigan at San Quintin), nalalabing bahagi ng Cagayan, Ilocos Norte (Carasi at Nueva Era), Isabela (Burgos, Delfin Albano, Mallig, Quezon, Quirino, Roxas, San Manuel, SantaMaria at SantoTomas), at Kalinga.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...