Pagluluwag ng Saudi sa kafala system, tagumpay ng OFWs

By Erwin Aguilon November 11, 2020 - 11:19 PM

Tagumpay ng Overseas Filipino Workers para kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang naging pagluluwag ng pamahalaan ng Saudi Arabia sa kafala system.

Aniya, ang malulungkot at masasakit na karanasan ng milyong OFWs ang nagsilbi umanong inspirasyon sa Department of Foreign Affairs (DFA) para isulong ang kampanya kontra kafala.

Sinabi ni Cayetano na dati ring DFA sceretary, bagama’t matagal nang itinuturing na makabagong bayani, ngayon pa lamang nararanasan ng mga OFW ang ganitong pagtrato dahil sa malasakit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Binanggit nito ang matapang na salita ng Presidente na ang mga Dilipino ay hindi alipin ng sinuman at saanman kasabay ang direktiba na ilunsad ang anti-kafala campaign noong 2017.

Inanunsyo ng Saudi Arabia kamakailan na simula sa Marso ng susunod na taon ay hindi na kailangang humingi ng permiso ang migrant workers sa kanilang mga amo kapag lilipat ng trabaho, bibiyahe abroas o aalis na sa kanilang bansa.

Dahil dito’y umaasa si Cayetano na bubuti na ang kondisyon ng mga OFW, mababawasan ang banta ng pang-aabuso at kapahamakan sa ibang bansa.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Inquirer News, kafala system Saudi Arabia, OFWs in Saudi Arabia, Radyo Inquirer news, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, kafala system Saudi Arabia, OFWs in Saudi Arabia, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.