Pabling na Senatorial candidate nagbaon ng tsiks sa sortie – Wacky Leaks ni Den Macaranas

 

 

Hindi napigilan ng kilalang Chick Boy na pulitiko ang pagiging pabling.

Sinabi ng ating Cricket na kahit sa gitna ng political sortie ay naisisingit pa rin niya ang oras para sa mga Chicks.

Sa kanilang ginawang pangangampanya sa Bicol region kamakailan, biglang tinawagan ni Mr. Politician ang kanyang mga contacts sa Metro Manila na taga-supply ng mga magagandang escort girls.

Hindi isa kundi walong mga magagandang babae ang request ni Sir.

Nagpadala kaagad si Sir ng budget for airfare para sa mga Chicks kasama na ang downpayment para sa kanilang good service.

Sinabi ng ating Cricket na P30,000 ang bayad para sa mga magagandang escort girls bawat isa kaya naman nagmamadali silang lumipad para sa kanilang project.

Kaagad na dumiretso ang mga girls sa isang kilalang hotel sa Naga City kung saan naka-check in ang grupo ni Mr. Politician na kandidato sa pagka-Senador.

Yung ibang girls ay para sa ilang mga financier and friends pero dalawa ang inireserba na siyang naging overnight companion ni Sir.

Sinabi ng ating Cricket na wala pa ring kupas si Mr. Politician pero infairness, mahusay din naman siyang mambabatas.

Pero kahit anong tikas ni Sir ay nagkaka-edad na siya kaya kinabukasan ay hindi na siya nakasama sa pag-iikot ng kanyang mga kapwa kandidato dahil sa matinding pagod.

Kilala sa larangan ng pulitika ang pamilya ng ating subject at sikat din sa iba pang industriya ang ilang family members.

Madaling hulaan kaya hindi na kailangan ang mga dagdag na clues.

Ang pulitiko na umorder ng mga escort girls sa kanilang sortie sa Bicol ay si Mr. R….as in Reservoir.q

Read more...