Typhoon #UlyssesPH, inaasahang magla-landfall sa Polilio Island mamayang gabi

By Angellic Jordan November 11, 2020 - 08:48 PM

Napanatili ang lakas ng Typhoon Ulysses habang nagbabanta sa Quezon-Aurora area, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling severe weather bulletin, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 65 kilometers Hilaga ng Daet, Camarines Sur dakong 7:00 ng gabi.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 140 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 195 kilometers per hour.

Bahagya namang bumagal ang bagyo na kumikilos sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong West Southwest.

Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:

Signal no. 3:
– The southern portion of Quirino (Maddela, Nagtipunan), the southern portion of Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax Del Norte, Dupax Del Sur), Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, the northern and central portions of Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, Tayabas City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Lucena City, Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Unisan, Agdangan, Gumaca, Plaridel, Pitogo, Macalelon, Lopez, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez) including Polillo Islands, Batangas, Catanduanes, Camarines Norte, the northern portion of Camarines Sur (Del Gallego, Ragay, Lupi, Sipocot, Cabusao, Bombon, Calabanga, Tinambac, Siruma, Goa, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan)

Signal no. 2:
– The rest of Quirino, the rest of Nueva Vizcaya, the southern portion of Benguet (Bokod, Itogon, Tublay, La Trinidad, Sablan, Baguio City, Tuba), the southern portion of La Union (Burgos, Naguilian, Bauang, Caba, Aringay, Tubao, Pugo, Santo Tomas, Rosario, Agoo), the rest of Quezon, Marinduque, the northern portion of Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island, the northern portion of Oriental Mindoro (Pola, Victoria, Naujan, Baco, Calapan City, San Teodoro, Puerto Galera), the rest of Camarines Sur, Albay, Sorsogon, and Burias and Ticao Islands

Signal no. 1:
– Isabela, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, the rest of Benguet, Abra, Ilocos Sur, the rest of La Union, the rest of Occidental Mindoro, the rest of Oriental Mindoro, Romblon, the rest of Masbate, Northern Samar, the northern portion of Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao), and the northern portion of Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)

Ang mga nasabing lugar ay patuloy na makararanas ng masungit na panahon o malakas na pag-ulan at hangin na maaaring magdulot ng pagbaha o pagguho ng lupa.

Ayon sa PAGASA, malapit na ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Calaguas Islands bandang 6:30 ng gabi.

Inaasahang tatama ang bagyo sa Polilio Island sa pagitan ng 10:00, Miyerkules ng gabi, at 2:00, Huwebes ng madaling-araw (November 12).

Maaari ring mag-landfall sa mainland Quezon sa pagitan ng 1:00 hanggang 3:00, Huwebes ng madaling-araw.

Inaasahan namang tuluyan lalabas ng kalupaan ng bansa sa bahagi ng Zambales sa pagitan ng 7:00 hanggang 9:00, Huwebes ng umaga.

Hanggang Huwebes ng madaling-araw, sinabi ng PAGASA na iiral ang heavy to intense na kung minsan ay torrential rains sa Camarines Norte, Camarines Sur, Metro Manila, CALABARZON, Aurora, Bulacan, Pampanga, at Bataan.

Katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, mainland Cagayan Valley, Catanduanes, Marinduque, the northern portion of Mindoro Provinces, at nalalabing parte ng Central Luzon.

Samantala, mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararamdaman sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas.

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses, UlyssesPH, weather update November 11, Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, Typhoon Ulysses, UlyssesPH, weather update November 11

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.