Higit 2,000 pasahero, stranded sa mga pantalan dahil sa #UlyssesPH
Nadagdagan pa ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ito ay bunsod ng Typhoon Ulysses.
Sa maritime safety advisory hanggang 4:00, Miyerkules ng hapon (November 11), na-stranded ang 2,071 pasahero, truck drivers at cargo helpers sa mga pantalan sa NCR, Eastern Visayas, Bicol region at Southern Tagalog.
Maliban dito, stranded din ang 42 vessels, 114 motorbanca at 707 rolling cargoes.
Sinabi ng ahensya na moderate sea condition ang nararanasan sa Eastern Visayas habang light to moderate sea condition naman sa Southern Tagalog, NCR at Bicol.
Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para sa istriktong implementasyon ng guidelines sa galaw ng mga sasakyang-pandagat.
Nakaalerto rin ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations across sa bansa sakaling magkaroon ng emergency situations, katuwang ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.