Mga tarpaulin sa Maynila, ipinababa muna dahil sa Bagyong Ulysses
By Angellic Jordan November 11, 2020 - 03:30 PM
Hinikayat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang lahat ng tri-media advertising firms na ibaba muna ang large tarpaulin signages sa buong Lungsod ng Maynila.
Ito ay upang maiwasan ang anumang aksidente na dulot ng Bagyong Ulysses.
Kabilang ang Metro Manila sa mga lugar na nakataas sa Signal no. 3 dahil sa bagyo.
Suspendido na rin ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.