Militar, nakahanda na sa pagresponde sa Bagyong #UlyssesPH
Nakahanda na ang mga unit ng militar sa posibleng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Capt. Jonathan Zata, Public Affairs Office Chief ng Armed Forces of the Philippines (AFP), na nakataas na sa high alert ang kanilang disaster response units sa buong Luzon at ilang parte ng Visayas.
Nakaposisyon na rin aniya ang mga tauhan at gamit ng Southern Luzon Command, Northern Luzon Command, at JTF National Capital Region.
“Coordination with other LGUs are also in earnest including NDRRMC and its local counterparts to ensure their immediate response as soon as the storm passes,” pahayag ni Zata.
Kumikilos na rin ang search and rescue units kasama ang mobility assets para ilikas ang mga pamilyang nasa mabababang lugar.
“Kami ay muling nananawagan sa lahat ng ating mga kababayan na mag-ingat, makinig, at makiisa upang maibsan ang epekto ng bagyong ito. Gabayan nawa tayo ng Panginoon sa panahong ito,” dagdag pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.