Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 11), umabot na sa 401,416 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 31,489 o 7.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,672 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.4 porsyento ang asymptomatic; 2.5 porsyento ang severe habang 4.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 49 muli ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,710 o 1.92 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 311 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 362,217 o 90.2 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.