Palasyo, sinuspinde ang pasok sa gov’t offices at klase sa NCR at iba pang rehiyon hanggang Nov. 12

Sinuspinde ng Palasyo ng Malakanyang ang pasok sa trabaho ng mga tanggapan ng gobyerno sa Metro Manila at ilang rehiyon sa bansa.

Base sa inilabas na Memorandum Circular No. 82 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa Typhoon Ulysses.

Suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan sa National Capital Region, Regions 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, 5 at Cordillera Administrative Region (CAR).

Epektibo ang suspensiyon ng pasok simula 3:00, Miyerkules ng hapon, November 11, hanggang sa araw ng Huwebes (November 12).

“However, those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” saad sa memorandum.

Batay pa rito, “The suspension of work for private companies, offices and schools is left to the dicretion of their respective heads.”

Nakataas na sa Signal no. 3 ang NCR at ilan pang probinsya bunsod ng Bagyong Ulysses.

Read more...