Metro Manila at ilang lugar sa Luzon, patuloy na uulanin
Asahang patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon.
Sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 2:00 ng hapon, ito ay dahil sa umiiral na Bagyong Ulysses.
Sinabi ng PAGASA na asahan ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Zambales.
Maliban dito, maaapektuhan din ng nasabing lagay ng panahon sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Cavite at Bataan.
Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha sa mabababang bahagi at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na bahagi ng mga nasabing lugar.
Inabisuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na maging alerto at tutukan ang pinakahuling lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.