Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Miyerkules ng hapon (November 11), ito ay dulot pa rin ng trough ng Typhoon Ulysses at tail end of a cold front.
Nakataas ang orange warning level sa Apayao (Calanasan, Conner at Kabugao); at Cagayan (Baggao, Allacapan, Gonzaga, Lasam, Lallo at SantaAna).
Yellow warning level naman ang nakataas sa Apayao (Luna); Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Gattaran, Penablanca, Rizal, Santa Teresita at Santo Niño); Isabela (Divilacan, Ilagan City at Maconacon); at sa Kalinga (Balbalan, Pinukpuk, Tabuk City at Tanudan).
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Asahan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Cagayan (Alcala, Amulung, Aparri, Ballesteros, Buguey, Camalanuigan, Enrile, Iguig, Piat, Solana, Tuao at Tuguegarao City); Ilocos Norte (Adams, Dumalneg, Pagudpud at Vintar); Isabela (Cabagan, Delfin Albano, Quezon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas at Tumauini); Kalinga (Lubuagan, Pasil, Rizal at Tinglayan); at Abra (Malibcong) sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.