Isang national highway sa Northern Samar, nagkaroon ng rockslide

By Angellic Jordan November 11, 2020 - 02:15 PM

Photo credit: MDRRMO Palapag/Facebook

Nagkaroon ng rockslide sa isang national highway sa Northern Samar, Miyerkules ng umaga.

Ito ay bunsod ng ulang nararanasan dulot ng Typhoon Ulysses.

Ayon sa Palapag MDRRMO, apektado ng rockslide ang bahagi ng Palapag-Mapanas national highway sa Panhagdanan sa pagitan ng Barangays Nipa at Maragano.

Isang truck ang stranded bandang 9:30 ng umaga.

Maaari namang dumaan sa naturang kalsada ang mga motorsiklo at maliliit na 4-wheel vehicles.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang clearing operation ng ilang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

TAGS: Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rockslide in Northern Samar, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, UlyssesPH, Bagyong Ulysses, breaking news, Inquirer News, Radyo Inquirer news, rockslide in Northern Samar, Typhoon Ulysses aftermath, Typhoon Ulysses devastation, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.