Trabaho sa Maynila suspendido na dahil sa typhoon Ulysses


Sinuspinde na ni Manila Mayor Isko Moreno ang trabaho sa lahat ng city offices simula ala 1:00 ngayong hapon,Miyerkules November 11, 2020.

Ito ay dahil isinailalim na Signal Number 3 ang Metro Manila dahil sa Bagyong Ulysses.

Ayon kay Mayor Isko, pinauwi na niya ang mga manggagawa para na rin sa kanilang kaligtasan.

May pasok naman ang mga empleyado na nasa disaster response and rescue, at traffic management operations.

Read more...