Sinabi ni Senate President Pro Tempore sa higit P4.5 trilyon national budget sa susunod na taon, higit P2.7 trilyon lang ang maaring mapondohan ng koleksyon ng gobyerno.
Kayat aniya ang natitirang higit P1.7 trilyon ay kailangan utangin.
Sa kada araw sa susunod na taon, gagasta ang gobyerno ng P12.35 bilyon, ngunit ang kita ay P7.44 bilyon lang kayat kailangan na umutang ng P4.79 bilyon kada 24 oras.
Banggit nito, inaasahan na sa pagtatapos ng 2021, lolobo sa P10.16 trilyon ang utang ng gobyerno mula sa tinatayang P7.73 ngayon taon.
Bumaba aniya ang koleksyon ng gobyerno dahil sa limitadong galaw ng mamamayan.
Ibinigay nitong halimbawa na sa buwis sa mga nakakalasing na inumin, tinatayang bababa ng P28.4 bilyon ang sin tax collection sa mga alcohol products.