Mga reklamo sa online transactions, tumaas ngayong taon
Dumami ang mga nagrereklamo sa online transactions ngayong 2020 kumpara noong mga nakaraang taon.
Sa pagdinig ng House committee on trade and industry, sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na umabot sa halos 15,000 (14,869) ang natanggap nilang reklamo sa online transactions mula Enero hanggang noong katapusan ng Oktubre.
Mas mataas ito kumpara sa 2,457 lang noong 2019; 1,451 noong 2018; 848 noong 2017; at 522 noong 2016.
Sabi ni Castelo, karamihan sa mga reklamo ay laban sa online selling platforms gaya ng Shopee (3,432 cases) at Lazada (3,475 cases) at maging sa Facebook.
Karamihan anya sa mga reklamo ay tungkol sa Price Act (7,539 cases), depektibong mga produkto(3,157 cases), at panloloko o pandaraya (2,641 cases).
Inireklamo rin ng consumers ang pangit na serbisyo, mga isyu sa advertising at sales promotion, kalidad ng produkto at billing.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.